A day in the life…

The Bastard Moonchild’s demented thoughts and mundane stories

Muni-muni sa madaling araw (aka Pagbalik ng kwago)

Filed under: Uncategorized — kablagblog at 10:46 am on Saturday, June 30, 2007

HOY! BASAHIN MO ‘TO! PARA SA IYO ITO!

Well, kung hindi naman, bahala ka kung gusto mo tumuloy…

——–

Wow. Isang buwan mahigit ang nakalipas mula ng huli akong naglapat ng mga salita sa blog na ito. Sa nasabing nagdaang araw, marami ang nangyari.

At ba’t ako nagta-Tagalog ngayon? Di ko gawain ito a. Weh!

——–

Tulad ng naisulat sa taas, marami ngang pangyayari ang gumulo sa aking buhay. O pwede rin nating sabihing may mga pangyayaring nagdulot ng iba pang pangyayaring… kakaiba.

Una, naisipan kong lumipat ng trabaho. Naisakatuparan ko ito nang nag-submit ako ng resignation letter isang araw makalipas ang eleksyon. Maayos naman ang ginawa kong pagpaalam. Siyempre, ano ba naman yun e nagtagal nga ako dun sa dati ng limang taon.

Shet, limang taon? Astig! Di ko inakala na magtatagal ako dun. Dati, nung kaka-graduate pa lang namin, sabi ko ayoko ng ahensya. Weh!

So yun nga, nagpaalam ako ng maayos. Well, yun pala ang akala ko.

Eto ang pangalawang highlight sa buhay ko ng nakalipas na isang buwan at dalawang linggo: Sampung araw (kasama sa bilang ko ang weekend) pagkatapos kong mag-submit ng resignation letter, sinabihan ako ng dati kong amo na bibigyan niya ako ng leave mula sa Lunes na sumunod hanggang sa huling araw ko sa opisinang yon.

Okay lang sana. Kaya lang dalawang bagay ang nakasama sa mga pangyayari: Una, kasama ng pagbigay ng leave, sinabi niyang iligpit ko na ang lahat ng gamit ko ng gabing yon. Pangalawa, nang itanong ko sa kanya kung bakit niya ako binigyan ng leave, eto ang mga sagot niya: 1) "I choose not to divulge/i choose not to tell you" 2) murmur-"backstab"-murmur at 3) "i-know-things-you-don’t-know-that-i-know".

Kung babalikan ko ang nangyari, dapat pinairal ko ang aking pagiging Restless Bastard. Kaya lang nangyari yon ilang araw bago dumanak ang dugo ko (at wala itong kinalaman sa labanan o sugat, gets? Eww!). Emotional ako nun. So wala akong nagawa kundi umiyak.

——–

Kung ia-analyze ko ang mga pangyayari (na madalas ay di ko ginagawa kasi para saan pa, tsaka nakakatamad din), eto siguro ang dapat na naisagot ko.

Sa unang puntos: Weh! Sa korte, talo ka na.  Wala kang rason na maibigay sa akin? Dalawa lang ang pwedeng ibig sabihin nun: maaaring duwag ka lang kasi alam mong may isasagot ako sa sagot mo na di mo rin kayang barahin o kaya naman ay wala ka talagang rason kundi dahil napikon ka dahil aalis na ako. Yabang kung yabang, pero aminin mo, asset ako sa kumpanya mo at naasar ka kasi wala kang magawa sa pag-alis ko.

Sa pangalawang puntos: Well, tao lang ako. Totoo, minsan may nasasabi ako tungkol sa hindi ko nagugustuhan sa kumpanya, kasama na ang pagpapatakbo nito. Pero naman, lahat ng sinabi ko may basehan. Tandaan mo, andyan na ako noong unang nag-take off ang kumpanya. Nakita ko ang mga pinagdaanan natin. At kung may masasabi man ako o may ipagkumpara, yun ay dahil sa mga obserbasyon ko. Tsaka naman no, kung sabihin ko mang nangba-backstab ako, tingin mo ba ako lang ang gumagawa nun?

Sa pangatlong puntos: Eh kung marami kang alam, ba’t kailangan mo pang mag-recruit ng bantay? Tsaka sigurado ka ba na ang nakukuha mong impormasyon ay 100% unadulterated? Tsaka kung marami kang alam, dapat in-expect mo na mangyayari ang ganitong mga bagay sa kumpanya. Kaya lang hindi kita nakitaan ng foresight, kaya di ako naniniwala sa yo.

Ang lupit, no? Pagkatapos ng limang taong paglilingkod, basura ang iginanti sa akin. Di man lang pinahalagahan ang mga paghihirap ko para umunlad ang kumpanya. Kinalimutan na nanatili ako doon kahit na may mga magagandang pagkakataong dumating para ihinang ang aking talento. Walang halaga ang tinatawag na loyalty.

At tsaka nga pala, aaminin ko na dito na madalas ginamit ko ang leave ko para mag-mall kasi sale noon o kaya naman ay nabu-burn out ako at gusto ko ng break. At least di ko ginagamit ang leave at breaktime ko sa paggawa ng ibang bagay, diba?

Kinalimutan mo na rin lang ang halaga ng limang taong paglilingkod ko, marahil e madali na sa iyo ang kalimutan ang maliit na pabor na sana ay hihilingin ko sa susunod na taon. Ayaw kasi ng mahal ko sa buhay na masira lang ang isang araw na iyon dahil sa presensya mo.

——–

Ah, ang pangyayaring ito ay nagdulot ng kung anu-ano sa akin at sa mga tao sa paligid ko. Syempre, pagkatapos ko itong iyakan ng mga tatlong araw, sinubukan kong bumangon sa pagkakadapa. Nakaraos naman, at ngayon isang valid ID na lang ang kailangan ko para matawag akong good and responsible Filipino citizen. Sinusulit ko na ang mga pagkakataong matuto ng SEO sa bago kong trabaho. Panibagong pagsubok, pero kakayanin ko ito.

Astig din na maliban sa mga maituturing kong totoong mga kaibigan, may nagpapadala ng mga mensahe sa akin mula sa dati kong pinagtratrabahuhan. Merong nakakatuwa, may ilan ding nakakatawa. Merong ibang kibit-balikat lang, meron din namang nagpupumilit na magbigay ako ng pahayag.

E sa wala akong sasabihin e. Mapilit kayo.

Tsaka para sa mga nagtext sa akin na hindi ko na-reply, isa lang ang masasabi ko…








okay ;)

Salamat sa inyo, meron akong source of joy… and amusement. Salamat, bawat araw dulot ninyo ay ngiti sa aking mga labi.

——–

Pagkatapos ng lahat ng nangyari, pagkatapos ma-klaro ang utak ko, ngayon nakakatulog na ako ng mahimbing. Sinusunod ko ang payo ng aking mga kaibigan. Hindi na ako nagpapa-apekto at hindi ko na ito ginagawan ng isyu. Madalas tinatawanan ko na lang ito.

Kung meron mang apektado, masasabi ko lang e wala na akong kinalaman sa mga nararamdaman ninyo. Kayo ang gumagawa ng sarili ninyong isyu at hinahayaan n’yong maapektuhan naman kayo. Basta ako, masaya na ako ngayon sa buhay ko. Dapat kayo rin. Hala, magkaka-wrinkles kayo n’yan.

——–

Siguro nagtataka kayo, bakit naisipan kong sa blog ko ilagay itong mga bagay na ito at hindi ko ito sinabi na lang verbally.

May mga rason ako. Una, mas nae-express ko ang sarili ko sa pagsulat kaysa sa pagsasalita. Kung babalikan ko ang mga araw noong nag-aaral pa lang ako, mas effective akong writer kaysa speaker.

Pangalawa, ang totoo niyan, nagtatalo ang dalawa kong horoscopes. Sa pagkakataong ito, mas nangibabaw ang aking pagiging Year of the Sheep. Ayaw niya ng confrontations.

Pangatlo, wala lang. Wala naman akong dapat sabihin sa mga taong nasa paligid ko. Kung meron mang dapat magsalita, e hindi ako yun. Ano ba ang sasabihin ko, e wala nga akong alam, diba?

Pang-apat, e sa gusto ko dito sa blog ko. Ba’t nakikialam ka?

Ang totoo niyan, okay lang sa akin kung gusto ng tao makipag-usap sa akin. Basta hindi ako ang magi-initiate dahil hindi naman ako dapat gagawa ng first move. Plus, dapat maayos kayong makikipag-usap. Tandaan n’yo lang isa ako sa original Restless Bastards. Kung hindi maayos ang paraan mo, e well pagtatawanan lang kita at ang isasagot ko lang ay isang malupit na "Weh?!".

——–

Finally, I’ve found my voice again.

Whoa, English yun a.

Makes you wonder to whom I’m dedicating this song to… ;)

Filed under: Uncategorized — kablagblog at 8:49 am on Friday, June 8, 2007

Makes Me Wonder
Maroon 5

I wake up with bloodshot eyes
struggled to memorize
the way it felt between your thighs
pleasure that made you cry
feels so good to be bad
not worth the aftermath after that
after that try to get you back

I still don’t have a reason
and you don’t have the time
and it really makes me wonder
if I ever gave a f**k about you

Give me something to believe in
‘coz I don’t believe in you anymore
anymore
I wonder if it even makes a difference to try
yeah
so this is goodbye

Goddamn my spinning head
decisions that made my bed
now I must lay in it
and deal with things I left unsaid
I want to dive into you
forget what you’re going through
I get behind, make your move
forget about the truth

I still don’t have a reason
and you don’t have the time
and it really makes me wonder
if I ever gave a f**k about you

Give me something to believe in
‘coz I don’t believe in you anymore
anymore
I wonder if it even makes a difference
it even makes a difference to try yeah
and you told me how you’re feeling
but I don’t believe it’s true anymore
anymore
I wonder if it even makes a difference to cry
oh no
so this is goodbye

I’ve been here before
one day I’ll wake up
and it won’t hurt anymore
you caught me in a lie
I have no alibi
the words you say don’t have a meaning ‘coz

I still don’t have a reason
and you don’t have the time
and it really makes me wonder
if I ever gave a f**k about you and I
and so this is goodbye

Give me something to believe in
‘coz I don’t believe in you anymore
anymore
I wonder if it even makes a difference
it even makes a difference to try yeah
and you told me how you’re feeling
but I don’t believe it’s true anymore
anymore
I wonder if it even makes a difference to cry
oh no
so this is goodbye

oh no so this is goodbye
yeah so this is goodbye
yeah
so this is goodbye