A day in the life…

The Bastard Moonchild’s demented thoughts and mundane stories

Wala, naisip ko lang

Filed under: Random thoughts — kablagblog at 7:41 pm on Thursday, July 14, 2005

Call me nonchalant. Actually kailan lang naman ako hindi nakialam… sa mga pangyayari sa labas ng aking bintana at sa loob ng TV tube ko or sa nilalaman ng diyaryo tuwing umaga.

Pag nanonood ako ng TV o nagbabasa ng diyaryo, ganon at ganon na lang ang nangyayari. Pero natututo ba tayo?

E kasi naman e, abuso tayong mga Pinoy.

Di ba tayo nagsasawa sa rally?

Effective pa ba ang rally?

Naiintindihan ba nila ang ibig sabihin ng democracy, ang limitations ng freedom, at ang rule of law?

Naniniwala pa ba tayo sa sinasabi ng Constitution?

HIndi naman sa pumapanig ako sa isang taong alam nating gumawa ng mali. Pero naman, ibig bang sabihin nun na pwede na lang tayo basta-basta magpatalsik ng mga leader natin?

Tsaka teka lang, magse-stage kayo ng rally sa Ayala, e diba doon yung mga supporters niya?

Pati supporters niya bumaligtad? Di siguro napagbigyan…

Ang weird nating mga Pinoy. We’re so fickle-minded. Inarte talaga.

Tapos ngayon may bagong wiretap scandal laban sa dating leader…

Wow, ang galing! Artistahin talaga ang mga Pinoy. We love being in the spotlight.

Syet, katawa-tawa na tayo talaga sa mata ng ibang tao, noh? Sana nare-realize nila yun.

Well, apparently not.



1 Comment »

4

   Cleng

July 15, 2005 @ 1:27 am

hi domps!!!
sang-ayon ako–katawa-tawa na tayong mga pinoy! nung minsang napadaan yung bus na sinasakyan ko papuntang eskwela, may nakita akong mga pinoy na nakahilerang may mga bandera at may mga mensaheng pagpapatalsik ng pangulo! isip-isip ko, bat ‘di nila gawin sa pilipinas ito? ba’t kelangan pa nila ipaalam sa buong mundo ang kalokohan o pag-aabuso sa demokrasya na malimit nilang gawin.

hay, kelan pa tayo matututo? ibang-iba pa naman ang tingin ng mga tao dito sa mga pinoy: napakapositibo. pero kung titingnan mo ang kalagayan ng maynila, para tayong mga walang alam… napudpod na siguro ang mga utak natin sa mga pagpaplano ng pag-aklas na walang katuturan… let’s just pray for the Philippines…

there’s nothing we can do about the political crisis, but to hope and pray for peace.

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>